MALAYO MAN

Kasama ang agam- agam, ang makisama sa di mo kakilala.
Ang makipag-usap sa minsan mo lang nakita. Mahirap magtiwala diba?
Paano pa ang mag organisa upang tayo ay magsama-sama.
Subalit may isang hangarin, Kung bakit tayo’y pinagbuklod at pinag-isa.

Isang adhikain, na minsan lang maipadama,
kapalit nito’y ngiti at ligaya na hindi maipinta, at wala ng hihigit pa.
Sa saya na iyong madarama, kapag sila iyong nakasama.
Sadyang kakaiba.

Magkakaiba nang pinang-galingan, Iisa ang patutunguhan. Tinahak ang karagatan, pati bundok na matarik, sila’y nalagpasan. Walang mabigat na pasan, Pagkat kayo ang dahilan. Lahat ng hirap aming nakayanan at nalagpasan.

Iba-Iba man ang ating kulay at pananaw sa buhay. Tayo ay magkakaugnay.
Iba- Iba ang paninindigan, Iisa ang sandalan, Tanging ikaw Mahal na Ama. Ang nagbibigay linaw patungo sa aming paroroonan. Tanging ikaw ang may saklaw, Nang aming Ilaw at nang panibagong kinabukasan sa makamundong larangan ng aming kapalaran.

Doon sa malayo, sa lugar kung saan batid mo ang kawalan.
Marami ang kulang at Di matugunan, ngunit tayo’y nagtulungan. Pinagkaisa ng tiwala, Adhikain at nang Pananampatalataya, Upang ang iba’y maabutan. Hindi madali ang lahat, Ngunit hindi ito dahilan, Aming pinasan at hindi binitawan. Mga regalong minsan lang makamtan. Para sa mga batang naghihintay sa daan. Ito’y Aming ipinamigay kapit at abot kamay.

Di man sapat, pagod ay napawi, Masilayan lang mga ngiti mula sa iyong mga labi. Mahabang kantahan ang nag silbing libangan, Habang kami ay nasa daan., O nasa taplod man, Masayang samahan aming natunghayan, Habang umuulan, Tawanang walang humpay, Pati mga batang kuma-kaway, sumabay. Na Kahit sa bandang huli tayo ay maghihiwalay.

Mag kakaiba ng edad, hatid ay Moralidad. Ang lahat ay natatangi. Lahat bayani. Iisang lipi. Kami’y tumutulong at walang pinipili. Sa likod ng aming karga, kalakip ang tiwala ng iba, Suporta’y dumagsa kahit nasa kabilang bansa. Pagkat para sainyo, Walang bundok na matarik, maputik at matinik. Karagatan man aming tatawirin at walang bagyong makakapagpigil. Kami ay darating at darating pa rin.

Pagkat kaming mga volunteer kailan man hindi naging drawing. Kung kami ay hindi dumating tandaan, kami ay tao rin. Nanghihina at nagkakasakit din. Para sa munting hangarin, kami’y buo at tuloy pa rin. Masayang ala-ala aming dala,
Mula sa inyong surpresang dala. Kami sumabay sa mga saliw at saya.
Kaya naman kami’y magpapatuloy pa.

Kami man ay dalangin, Mga batang kasama naming malinaw ang kanilang adhikain.  Nawa’y silay patnubayan nang maykapal, Nawa’y aming dalangin dinggin. Sila’y gabayan at palakasin. Saan man sila makarating. Sa minsan naming pagsama-sama tunay na pamilya aming nadarama.

Kalinga ng bawat isa, aming dala-dala, Pagod ay hindi alintana. Pagkat alam naming may isang bata kaming napasaya. Saan mang-dako kami makarating, Nawa’y kami rin inyong ipanalangin ng taimtim. Hanggang sa kabilang ibayo, Kami ay magpapa-tuloy at makikipagsapalaran. Para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Para sa mga namumuong pangarap na sana nawa ay makamtam ng kabataang may isang magandang hangarin at dalangin. Kaya naman, Wag sanang susuko, Wag mawalan ng Pag-asa. Dasal at tiwala iyong panangga, Saan man, Kailan man.

©

July 2019

Written and edited by: Macararanga F.R 

I was inspired to write this poem during our outreach event.

4 thoughts on “500Words: 1st entry- MALAYO MAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.