In this world full of bullies, criticism and greed, we can’t live that easily and words would be just word. No value at all and null.
Be kind.
Find a place where you can laugh freely.
Get up.See the real value of life, avoid those people who can’t help you get motivated.
Look for a people who simply live their life with simple living.Poor people are often more lacking in all aspect of living. But not their moralities and values. They have it more than educated people do. –Flor
June 2019
“Volunteers do not necessarily have the time; they just have the heart.” ~Elizabeth Andrew
“The smallest act of kindness is worth more than the grandest intention.” ~Oscar Wilde
Click by Bidoy
“There is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up.” ― John Holmes
You may not have saved a lot of money in your life, but if you have saved a lot of heartaches for other folks, you are a pretty rich man.” ~Seth Parker
“I don’t want to live in the kind of world where we don’t look out for each other. Not just the people that are close to us, but anybody who needs a helping hand. I cant change the way anybody else thinks, or what they choose to do, but I can do my bit.” ― charles de lint
Tatahakin ang Lahat, Walang lugar na malayo, madilim, madali at makipot. Ang daan ay tuwid. Kung gusto mong makatulong. Lumayo ka. At Huwag mag reklamo.
Hindi mo malalaman at makikita ang daang matuwid, kung hindi mo ito babaybayin sa pamamagitan mo at pananalig. Katulad ng karagatan. May Mababaw kahit nasa kalagitnaan kana. Pero bakit mababaw? Ihalintulad natin sa pamumuhay ng indibidwal. Masagana at Masaya. Masagana..Kaya mong puntahan ang mga lugar at bagay na gugustuhin mo dito sa mundong ibabaw Ngunit. Ang pagiging Masaya? Hangad ng mga ordianryong Tao. Mga taong nakakaranas ng mga totoong daguk ng kahirapan sa pang araw araw.
Sa likod ng kahirapan. May mga taong nagdala ng pag-asa at imulat ang kanilang mga mata na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtulong sa kapwa.
Mga Volunteer: sila ang mga taong totoong nagdadala ng Kaligayahan, Hindi man sa pang araw- araw,
Ngunit dahil, May Isang Umaga na “Minsan”- may mga taong minsan sa kanilang buhay ang dumating, at nagpadama ng totoong pagtulong sa Kapwa.
At walang tanging hangad. Kundi mga ngiti galing sa kanila. Mga ngiti na dala hanggang sa huli. At…
Kapag may alinlangan ka sa pananalig, tanging bangin ang iyong makikita, madakakadama ka ng takot, kalakip ng iyong pansariling paniniwala Kasabay ng iyong pagkahulog, itoy lilisan din
Volunteer:
Napakagandang bigkasin. Masarap pakinggan. At Oo, nakakagaan ng pakiramdam. Ngunit sino sino ba sila? Sila ba ay mayayaman?
May magandang trabaho?
Matataas ang pinag aralan?
May katungkulan?
Hindi.
Sila ay mga ordinaryong mamamayan
May kanya kanyang suliranin sa totoong buhay at paninindigan.
Ngunit may iisang layunin.”Ang makatulong”
Hindi na bago sa akin ang makisalamuha sa kapwa, ang makisama at tumulong ng walang kapalit..
Sa ngalan ng pagtutulungan, walang imposible. Lahat magagawa at makayanan, kapag tayo’y samasama.
Sa pagbobolunter, marami akong natutunan at mas namulat sa katotohanan, Oo.. maraming pagkukulang., na tayo rin mismo ang ugat, sa atin mismo nagmumula ang lahat ng pagkukulang. Una sa “Kapaligiran“. Maraming nawawala at pagbabago.
Napaka importante ng kapaligiran, ngunit marami sa atin ang walang pakundangan kung maminsala, sa mga halaman’t puno, at hayop sa kabundukan. Nakakalungkot isipin na tayo ang may kasalanan, At sa tuwing makakanaranas tayo ng unos galing sa kalikasan Walangg tayong magawa kundi ang tanggapin ang iniwang bakas.
Ngunit hanggang ganun nalang ba?.
Sa isang baryo, minsan nakasama ako sa pag tatanim ng mga puno,
Taong 2006 Kasama ang mga taong tipikal na naninirahan sa bundok. at ang tanging kabuhayan ay sa bundok. Nasaksihan ko ang kanilang pamumuhay. Hindi man masagana, ngunit may masayang pamumuhay. Ang gaan ng kanilang pamumuhay, napakasimple, tahimik may malinis na hangin hahaplos sa iyong mukha, sa mga sandaling kasama ko sila, nakadama ako ng kalinga mula sa kalikasan, at may sandaling nakalimutan ko ang kasalukuyan pangyayari. May katuturan kang baon na maaring ibahagi pag uwi. Mahuhubog ang ang iyong pagka-tao salat man sa kaalaman, maari natin silang gabayan. Ngunit ang kanilang kabutihan ay hindi mapupunan. Naway dumami ang mga katulad nila na kumkalinga sa kapaligaran.
Pangalawa sa kapwa, Hindi madali ang makisama, Subalit tandaan, sa oras ng pagtutulungan, hindi kailangang akuin ang responsibilidad, o kaya naman manahimik ka sa isang tabi. Matutong makibagay at makisama. Sa pamamgitan ng pakikisalamuha maiiwasan ang mga agam-agam, mga akalang hindi naman angkop sa katotohan. Mag kakaiba-iba man tayo ng pinang galingan,, magkakaiba ng lahi at paniniwala. Iisa ang ating pakay at patutunguhan sa bandang huli ng ating kabanata. Lahat tayo ay lilisan din sa mundong ibabaw. Hindi natin kailangang maging makasarili. Subukan nating mag habagi para sa mga taong higit pang nangangailangan, mapalad tayo sa maraming bagay natatamasa natin sa pang araw araw, sa pamamagitan ng pagmulat natin, ay lalo tayong pinagtitbay ng may kapal. Kaya’t hwag matakot, Humingi ng patnubay sa maykapal kapag may agam agam. Ika nga, Lahat tayo ay nabubuhay ng may dahilan.. kung sa tingin mo wala kang pakinabang.. Oopo kana lang ba? Ang lahat ay may tungkuling ginagampanan. . At ang mga taong minsan mo lang makilala, maaring sya rin ang magiging gabay mo balang araw.,sila ang mga bagong kaibigan, katuwang at karamay. Sa pamamgitan nila magbabago ang pananaw mo, at mag liliwanag ang bawat sandali na silay kasama. ang kabutihan naman ay nakikita sa bawat isa. Panatihin ang respeto,Dahil lahat tayo ay nilikha na maykapal nang pantay pantay, walang labis at walang kulang. “Ang lahat ay magkakaugnay.” Pahalagahan ang bawat isa, kahit minsang lang nagkasamasa.
Ikatlo, Ang ating Sarili, Gaano ba natin kakilala ang ating mga sarili? Kapag napagsabihan tayo ng ating mga kaibigan na labag sa ating pananaw.ano ba ang binabalik nating karaniwang sagot?!. Isang sagot lang.Isang sagot na mabilis ang karaniwang natin inilalabas, Hindi mo ako kilala.” at may kasamang dabog, may erap at masama ang loob. Oo, madalas, nagmamalaki tayo sa maraming bagay. Para saan? kapag nakilala mo ba ng lubusan ang isang tao. Mananatili ba sya? Hindi.Ang sino man ay walang karapatang mag malaki, kung hindi marunong magpakumbaba, magpatawad at manalig ng tapat maluwalhati. Dahil lahat tayo ay may hanggananNakilala natin ang ating sarili sa oras ng kasaganahan, Paano naman ang iyong paligid? may pakialam ka ba?. May mga pagkukulang na maaring punuan at ibahagi sa pamamagitan ng mabuting pananaw at sakripisyo. Paano tayo mag sasakripisyo kung nag aalanagna tayo?.Kumapit tayo sa taas at patuloy na manalig. Doon, makikilala mo ang iyong sarili.
Ikaapat, Pinuno, Sandalang ng mga nakakarami, may paninindigan at may prinsipyo, tapat at madiskarte, Nagkukusa. Nagpapaubaya, at handang gumabay.
Handang magsakripisyo, Katulad ng isang ama, handang maging tulay.
Bibihira ang mga pinuno o liderato na marunong makisama, madalas. Sila ang boss. Kapag nagkamali ka. Kasalanan mo na ang lahat.
Ang gaan sa pakiramdam, pagkatapos mo mag out sa trabaho, mag bobolunter ka, makikita at makikilala mo ang ganitong pinuno na mapagkumbaba., at tutulungan ka sa kung ano merun at kaya nya.
Ika-Lima, kaibigan,
Hindi natin kailangang hanapin ang mga totoong kaibigan, dahil kusa silang dumarating.
Masarap at magaan kapag silay ay nariyan.kasama sa tawanan, at iyakan.
Syempre, mas masaya kapag tawanan.
“Ang Gaan, sobrang gaan, lahat tanggap sayo.
Ipapadama sayo ang totoong kwento ng buhay.
Patuloy silay gagabay at magiging tulay.
Dapat natin silang pangalagaan at ingatan.
Sila ang ating mga takbuhan sa oras na,
Wala tayong halaga sa iba.
Sa oras na sa sulok tayo ng kaliliman.
Sila ang nagbibigay liwanag sa dilim.
Pupukaw sa maling asal at itatama ng iyong pagkakamali.
Tanging totoong kaibigan ang iyong karamay.
Mga kaibigan, na pagtatawanan ka kapag nahulog ka sa hukay.
At iaahon sa oras ng kagipitan sa buhay.
Ika Anim, Karangalan, Sa bandang huli, karangalan ng bawat bolunter na makatulong. Ang mga simpling handog, ay lubos na kasiyahan ng aming diwa. Isang karangalan, para mga taong nasa likod ng kanilang pagpupunyagi. ang ipinagkaloob na tiwala, ay walang sawang aalagaan at iingatan.
Sa totoo lang marami kang matutunan sa pagbobolunter.
Hindi lang sa iyong sarali, kundi dahil sa mga kasama mo at sa pagilid.
Ang kailangan ay buksan ang ating mga pusot isipan. at hwag manghusga.
“Ang Lahat ng ating nakikita at naririnig ” May Dahilan”
Ang mga lawarang nakikita nyo ay hindi ko pag aari,
Ganun din nag bidyong ito.
Nagpapasalamat ako sa mga taong nasa likod ng programang ito.