NANAY

Araw araw ika’y puyat,
Sa pag aarugang maluwat tapat.
Walang iniinda,
Sa lahat ikaw ang bida.

Simpling hiling,
Wala akong narinig na hinaing.
Hwag mo lang syang kokontrahin.
Baka ikay biglang bitayin.

Patuloy na gumagabay,
Kahit ikay napahiwalay.
Habang buhay siya’y karamay.
Nariyan at kaagpay.

Maingay man
Ngunit,
Mapag-aaruga.
Walang katumbas na halaga.
Kundi oras habang kapiling,
at humihinga.

Mapagmahal,
Makalinga,
Ilaw,
Tanging tanglaw.

Makinimkim,
Maalalahanin..
Bakit ikaw suwail,
Sa tuwing ikay bumabali,
Sya’y napapahikbi,
Sa sarili nyang sandali.

©

Flor
October 1, 2016

Advertisements