“Kabataan”

Ang Kabataan- Ang Pag-asa ng Bayan Dr. Jose Rizal

Kabataan nga ba ang babangon ng ating bayan? Ang mga katagang pumapasok sa aking isipan. Minsan.. napa-pa-isip ako . Sa panahon ngayon at sa pansariling opinyon. Kabataan na mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan para sa kanilang kinabuksan. Na gustong mapagtagumpayan ng kanilang mga magulang.

Uploaded by: Kausar khatri (From Pinterest) Credit to rightful Owner

Subalit mas pinili pa nang nakakarami ang pag tambay at hindi pag pasok sa eskwelahan. Mga kabataang nasasangkot sa pinagbabawal na bato. Mga kabataan na mas piniling ang mag nakaw, kaysa mag trabaho sa initan sa mababang sweldo o kita. Mga kabataang mas pinili ang bumili ng kanilang paglilibangan, katulad na lamang ng sigarilyo na mas mahal pa kesa sa masasarap na putahi sa ibat-ibang karenderya.

Uploaded by S.R. Mehta (From Pinterest) Credit to rightful Owner

Kabataan na may mga viral scandal at hindi alintana ang bukas. Kabataan na maagang tinatapos ang sariling buhay dahil sa maling pananaw at pansariling layunin. Mga kabataang hindi alintana ang halaga ng kanilang mga magulang. Ang sakripisyo at pag mamahal. Nasaan.. nasaan ang Kabataang sinasabi ni Rizal. Wala na nga ba? Tayo ba’y naglaho na?

Nasaan?

Mga kabataang may ibat ibang samahan, tulad na lamang ng praternity, Gang at iba pa.

Yan ba ang kabataan ngayon?

Sana hindi. May oras pa para baguhin ang inyong mga maling pananaw. Hwag padadala sa mga social media o kung ano man ang inyong nakikita na mali. Wag ng tularan. “Patunayan na Kabataan nga ang pag asa ng bayan”