Mga natatagong
lagoon aming natunton
maganda at kaaya-aya.


Sa kabundukan
sagana at masaya.
Mga ngiti ng aking mga kapatid
makulay at maligaya
Kay-gaan ipinta.


Mga nagdaang araw
panaho’y nag iba
Ang kabundukan na puno ng luntian
ngayon umuusok na.
Usok- Nababalot ng takot.


Pighati at dalumhati
Anong sakit ang aking nadarama
sa tuwituwina.
mga bata noon kaya kong amuhin sa simpling kalinga
ngayon hindi na.
Sila’y takot.
Ayaw magtiwala


Ako man nalulungkot
Pinoy…
Kapwa Pinoy..
Nag-lalaban doon sa mindanao
Anong saklap nang katotohanan
Mga bata’y walang patutunguhan
Iyak dito..
Iyak doon..


Patayan dito…Patayan doon.
Anong mayroon
Kami pa ba’y diringgin..
Aming hinaing..
inang bayan..
bakit kailangan mag patayan?
Nasaan ang kalayaan,
Katahimkan na dati
Puro huni ng ibon aming awit
Sumasabay sa saliw ng hangin


Anong mayroon sa panahon natin ngayon
ako man nalulungkot.
Ang solusyon ba’y digmaan sa lupang
pangako?


Pinoy kapwa pinoy nagbabangayan
kapwa pinoy nagpapatayan.
Anong sakit ng katotohanan.
walang katapusang digmaan.

Dugong pinoy – labanan ng kapwa pinoy
dugong pinoy tuloy ang daloy sa kapwa pinoy


Tila ba’y
Walang katapusang digmaan
at pakikipagsapalaran


ยฉ
June 2019

9 thoughts on “Mindanao

  1. Wow Tagalog poetry always beautiful!! Keep on writing ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ™‚ Yep, ang hindi ko tlaga matanggap sa kaguluhan sa Mindanao ay ung mga bata na naapektuhan at mga bata na ginagawang suldados sa murang edad. Very devastating. Hindi ko maintindihan rin kung san na talaga nagsisismula ang galit. Power struggle? Religious conflicts? Mindanao separation from the mainland? Too much. Naghalo halo na. But wasting thousands of lives dahil sa mga kamundong bagay, very sad. ๐Ÿ˜ฆ Keep on writing love. ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

    1. Maraming salamat po!!Pinasaya nyo po araw ko!! โค โค
      Yun po talaga ang nakakalungkot. pati bata damay. ๐Ÿ˜ฆ
      Salamat po sa pagbabasa. sobra ko pong na-appreciate!
      Ingat po lagi!

      Liked by 1 person

  2. Tunay na nakakalungkot kapatid๐Ÿ˜ข
    napakaganda ng Mindanao subalit dahil sa patuloy na mga kaguluhan nahahadlangan ang tuluyang pag usbong nito. Nakapanlulumo ang mga balita ng patayan. Ako mismo, nais kung libutin ang magagandang tanawin ng lugar na eto, subalit nananaig pa rin ang kaunting takot ag pag-aalala para sa pansariling kaligtasan.
    Pangarap kung marating ang tawi tawi at marami pang ibang parte ng mindanao.

    Liked by 1 person

    1. I feel exactly the same po. Nalulungkot din po ako. Ang Mindanao ang isa sa may mga natatagong yaman-lalo na sa kalikasan. Pero paunti unti itong nawawala. Napapalitan ng luha at takot.. Kung may pagkakataon ulit na mag outreach kami sa parte ng mindanao. Sa mga susunod na araw.. sasama na ako. We had outreach there way back year 2017 mam.. But that time i wasn’t sure yet! Hindi po ako nakasama. Our event was a success. Volunteers are all safe then. ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ™‚ โค

      Maraming salamat po sa pagbabasa! Sobra ko pong kayong na-appreciate!
      Have a wonderful day po. You look like my Nanay Edith Gener.. she's too adventurous.. and she a harkor mountaineer with a heart. I feel the same of you too mam! You are too adventurous. Please keep safe always!!

      Like

    2. wow! continue your good deedsโค, Mindanao is a promised land, sana mapangalagaan ang kanilang likas na yaman. Slmt din sa pag appreciate.
      Gusto ko ring subukang umakyat ng bundok, wala pa lng pgkakataon. My admiration to your Nanay Edith.
      ingat ka din plgi.

      Liked by 1 person

    3. Thank you so much po. Sana po <3. Masarap po mag hike!!lalo na kapag nasa summit na.. ang saya po. ang gaan sa pakiramdam. โค โค sending love po. โค

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.