Mindanao

Mga natatagong
lagoon aming natunton
maganda at kaaya-aya.


Sa kabundukan
sagana at masaya.
Mga ngiti ng aking mga kapatid
makulay at maligaya
Kay-gaan ipinta.


Mga nagdaang araw
panaho’y nag iba
Ang kabundukan na puno ng luntian
ngayon umuusok na.
Usok- Nababalot ng takot.


Pighati at dalumhati
Anong sakit ang aking nadarama
sa tuwituwina.
mga bata noon kaya kong amuhin sa simpling kalinga
ngayon hindi na.
Sila’y takot.
Ayaw magtiwala


Ako man nalulungkot
Pinoy…
Kapwa Pinoy..
Nag-lalaban doon sa mindanao
Anong saklap nang katotohanan
Mga bata’y walang patutunguhan
Iyak dito..
Iyak doon..


Patayan dito…Patayan doon.
Anong mayroon
Kami pa ba’y diringgin..
Aming hinaing..
inang bayan..
bakit kailangan mag patayan?
Nasaan ang kalayaan,
Katahimkan na dati
Puro huni ng ibon aming awit
Sumasabay sa saliw ng hangin


Anong mayroon sa panahon natin ngayon
ako man nalulungkot.
Ang solusyon ba’y digmaan sa lupang
pangako?


Pinoy kapwa pinoy nagbabangayan
kapwa pinoy nagpapatayan.
Anong sakit ng katotohanan.
walang katapusang digmaan.

Dugong pinoy – labanan ng kapwa pinoy
dugong pinoy tuloy ang daloy sa kapwa pinoy


Tila ba’y
Walang katapusang digmaan
at pakikipagsapalaran


©
June 2019