Minsan habang ako’y nasa tabi.
Kabilogan ng Buwan at malamig ang gabi.
Napamunimuni..
Anong merun sayo binibini?
Akoy iyong napangiwi,
Binihag mo, aking sandali.

Kinabukasan, hindi ako mapakali,
Nais kitang makitang muli.
Kaya ako nagbakasali.
Lumuwas nang plaza,
At nagsimba.
Tanaw kita, naka bistida.

Pintig nang puso ko’y hatid ay Ligaya,
Mga paang di maka-hakbang.
Dahil naka abang ang iyong mga magulang,
Akoy nag dahan dahan,
Masilayan ka lang O hirang.
Anong saklap ng aking nadarama,
Bibig ko’y di ko mabuka,
Ng nasilayan ang iyong ganda.
Ako’y namangha at napa-nganga’t mukhang tanga.
Lumingon ka’t, Biloy mo’y gumuhit,
Ramdam ko ang kiliti ng Langit.

Ooh.. kay sarap ng umaga, magaan at masaya,
Dahil sayo sinta.
Pasensya na ako’y natorpe talaga.
Babawi ako, at yun ang mahalaga.

Nais kong yayain ka sa luneta,
Subalit kulang aking pera.
Tara gusto mo ba sa perya?
May dala akong barya
Sapat na para tayo’y sumaya.
Pumayag ka lang sinta.
Hwag mag alala, di ako manyak.
Hindi ako mag-dadala ng alak.

Ako’y umakyat sa
hagdan na payak,
Kabado ngunit may galak.
Na makita ang iyong magulang
Na-naka-Abang.
Nag-manong walang humpay,
Sa kanilang mga kamay.
Matapos ang pag usapan,
Kahoy kinabukasan aking sinibak
nag igib ng tubig pang imbak.
Ramdam ko ang iyong suporta’t pagmamahal,
Hindi man ito lantaran.

Kaakibat nang pagsusumikap,
Ikay ngayon ang aking kayakap.
Kay gaan.. Oh kay gaan
Kay sarap mong pagmasdan sa malapitan,
Munti kong kapaligiran
Binigyan mo ng kulay at saysay.

Walang pangakong bibitawan,
Basta’t alam ko, hindi kita iiwan
Pagkat yan ang aking nararamdaman,
At tunay yan kalian man.

Mga araw na nagdaan,
Tila kahapon lang.
Kay sarap pag usapan ang nakaraan mahal,
Mga oras na tayo ay tumatakas,
At ng maka alpas, talo pa ang layas.
Mga baong dahilan,
na umubra naman.

Tanda mo pa mahal?
Bago kita ligawan.
Ako’y dumaan sa sandatahan.
Ngunit,
Talo ako ng iyong amang hirang.
Sa kabila,
Ipinagkatiwa ka sakin,
Para ikay mahalin.

Madami pang alala mahal,
At higit pa dyan,
Pahalagahan ang nakaraan,
Sapagkat itoy may aral.
At pananggala sa kasalukuyan.
Ika’y aking kapiling,
kasama ang dalawa nating supling.
Kahit nilaga pang saging ang ating kainin.
Magsislbi nyo akong dingding.

Mahal habang kayo ay saklaw ng aking ilaw,
Magsisilbi nyo akong tanglaw.
Hindi ako nagkamali sa aking napili,
Pagkat hanggang ngayon patuloy kang nanatili.

Ikaw Dakila ang nagsisilbi naming Gabay,
Salamat, Mahal ikay aking karamay,
Naging Patnubay sa paglakbay.
Sa Dagok ng buhay.

©

Flor
April 2019

Advertisements