1044694_1594899273869384_6347945365939095096_n
Marinduque, Philippines (The Tsenilas Project)

Kasama ang agam-agam ang makisama sa di mo kakilala,
Ang maki pag usap sa minsan mo lang nakita,
Mahirap mag-tiwala diba?
Paano pa ang mag organisa?
Upang tayo’y magsamasama?
Subalit may isang hangarin,
na tayo’y pinagbuklod at pinag-isa.
Isang adhikaing minsang lang maipadama,
kalakip nitoy ngiti na hindi maipinta.

Magkakaiba nang pinang-galingan,
Iisa ang patutunguhan,
Tinahak ang karagatan, pati bundok na matarik, sila’y nalagpasan.
Walang mahirap na pasan, Pagkat kayo ang dahilan.

Iba-Iba man ang ating kulay
At pananaw sa buhay,
Tayo ay magkakaugnay.
Iba- Iba ang paninindigan
Iisa ang sandalan,
Tanging ikaw Mahal na Ama.
Ang nagbibigay daan tungo sa kabuluhan.
Doon sa malayo, sa lugar kung saan batid mo ang kawalan,
Marami ang kulang at Di matugunan, ngunit tayo’y nagtulungan.
Pinagkaisa ng Tiwala at Pananampatalataya.
Upang ang iba’y maabutan.

IMG_14702943523449551
Nueva Ecija, Philippines (The Tsenilas Project)

Hindi madali ang lahat,
ngunit hindi ito dahilan,
Aming pinasan at hindi binitawan.
Mga regalong minsan lang makamtan.
Para sa mga batang naghihintay sa daan.

Di man Sapat, Pagod ay napawi,
Masilayan lang mga ngiti mula sa iyong mga labi.
Mahabang kantahan ang nag silbing libangan,
Habang kami ay nasa daan.,O nasa taplod man
Masayang samahan aming natunghayan.
Tawanang walang humpay,

Pati mga batang kuma-kaway, sumabay.
Kahit sa bandang huli tayo ay maghihiwalay.
Mag kakaiba ng Edad,
Hatid ay Moralidad.
Ang lahat ay natatangi,
Lahat bayani.
Iisang lipi.
Kami’y tumutulong at walang pinipili.

Sa likod ng aming karga,kalakip ang tiwala ng iba,
Supurta’y dumagsa kahit nasa kabilang bansa.
Pagkat para sainyo,
Walang bundok na matarik, maputik at matinik,
Karagatan man aming tatawirin at walang bagyong makakapagpigil.

Para sa munting hangarin,
kami’y tuloy at buo pa rin.
Masayang ala-ala aming dala,
Mula sa inyong surpresa.
Kami’y sumabay sa inyong mga saliw at saya.
Kaya naman kami’y magpapatuloy pa

IMG_1473155416640
Maragondon Cavite, Philippines (The Apple Project)
  Watch for Full story here! ☺

©

Flor

  Septembre 28, 2016